Thursday, October 22, 2015

Asyang presents... Ate Mystica versus the Machine

Hello Thursday!! Kakatapos lang ng quiz noong isang araw, at report ko kanina.  Tapos may quiz ulit, tapos may report ulit.  Tapos admissions.  Ulit ulit lang.  Pero keri lang… hiningi ko ito dati kay Lord, so bawal magreklamo.  Haha


Anyway, sabi ko nga may kwento pa ako.  Hindi kasi uso sa akin ang online banking and all that stuff.  So, pumipila pa din ako para magbayad ng bills.  Bill actually.  Dahil phone bill lang naman ang binabayaran ko.  Anyway, sa Globe kasi, may ganito nang thing…


…na touch screen, tapos insert insert mo lang ang cash.  So nung isang araw, ang haba nang pila.  Pero ayoko na bumalik, so pinush ko na pumila.  Habang nagbabasa ako ng Twitter pangpalipas oras, medyo napansin kong matagal na kaming hindi gumagalaw sa pila.  So kwento nga ni Tabs, shunga shunga kasi si Kuya.  Di nya kasi maintindihan ang gagawin sa touchscreen… at pumapride sya at ayaw magtanong.  Anyway, si kuya #2 na nakapila sa likod nya, mainit na ang ulo kasi kebs si Kuya sa mahabang pila behind him.  Haaaaay kuya, #ShungaPaMore.  After ten years, natapos sya.  Di ko lang alam kung naachieve nya ang goal nya… or natakot na sya kay Kuya #2.  So bukod kay Kuya #2, impatient na ang mga nakapila, except for me (joke lang, naiinip na din ako, ano ba…). 

So turn na ni Kuya #2.  Confident pa naman sya, na marunong sya gumamit ng machine, at hindi lost katulad ni Kuya Shunga.  Kaso, finail sya ng machine, kasi binabalik lang sa kanya ang bawat bill na pinapasok nya.  Sa point na ito, pinawisan na sya ng butil butil… may pressure kasi… mula sa mga taong impatient na sa likod nya.  Finally, gumive-up na din sya, feeling ko dahil di na nya kinakaya ang pawis nya.  And then… came Ate.  Ate Mystica.

E kasi nga, may topak na yung machine.  Choosy na sya sa bills.  Pero desidido si Ate… na makabayad.  As in now na.  Kaso talagang ayaw ng machine.  So paulit ulit silang dalawa.  Ate Mystica vs machine.  Habang nanonood kaming lahat kung sino mananalo.  Tapos, out of nowhere, lumipad ang kamay ni ate, nakita ko na lang ang long red embellished nails nya sa ere and then *baaaam!*.  Hinampas nya ang machine.  Woooow.  Tapos tinry nya ulit ipasok ang 100 pesos, pero di pa din tinanggap.  Hampasin mo ba naman.  Tapos, ito ngang machine, nagbbroadcast ng personal details mo… so ang laki-laking nakapaskil ang number ni Ate sa screen… 0917503****.  Medyo natempt ako itext sya ng, ok ka na ‘te?

Tuesday, October 13, 2015

Asyang and the Everest


So isang araw.. nagising ako, at tinatamad ako.  In general.  Pumasok pa din naman ako, usual day, pero alam mo yung feeling na deep inside, gusto mo lang tumambay sa bahay? 'Wag masyado mag effort.  Ganun.  Nangyayari naman yun, once in a while, tapos lilipas din.  (I guess sa ibang tao hindi lumilipas....) But anyway, medyo natagalan ako ng konti maka move on sa phase na ito... mga ilang days din (lumagpas ba ng week?). Haha.  So, nung finally, wala na akong choice, nagsipag sipagan na... nahaggard naman ako sa paghahabol.

Then finally, nung weekend na yun, nireward ko ulit ang sarili ko ng movie.  Random movie, kasi hindi kami nakabili ng tickets the day before (na usual naming ginagawa para iwas hassle)... kung saan may available na pinakamalapit na screening time. Tenenen.  Everest.  Sabi ko pa naman nung pinanood ko yung trailer, ayoko panoorin 'yan kasi nasstress ako sa mga ganung movies.  But anyway, pinush na namin.

At, sabi ko na nga ba, pagsisisihan ko 'to.  Well, fine, not 100% pagsisisi kasi maganda naman ang movie. Pero nastress talaga ako!! *Spoiler alert!* Sa fact na, pwede sila mahulog anytime, at sa struggle and acclimatization, sa mga naninigas na lang to death, sa bakit hindi nila naplano na aabutan sila ng storm, sa bakit nauubusan ng oxygen.... why?? Hanggang sa isang point during the movie, sabi ko medyo masakit na ulo ko, tapos narealize kong ang diin na kasi ng pindot ko sa left side ng ulo ko nang dahil sa stress.

Tapos, may masayang part naman, na nakarating sila sa tuktok.  Yey! Yey for Ate Japanese!  Bet na bet kong magtatagumpay sya... for some reason... so, 'yan na ang consolation for the stress ko, successful si Ate!  But no... nanigas sya to death at di na nakababa! Stress!! Again, whhhhyyyyy??  Tapos itong si Doug, sige na kuya, you're doing it to inspire the kids.  Pero bakit mo pa pinagpilitan?? Alam mo Kuya, minsan, kahit gustong gusto natin ang isang bagay, we have to humbly accept defeat.  Accept the fact na it's not for you, at least hindi sa oras na 'yan.  Namatay ka tuloy, nagdamay ka paaaaa... patalo!! Namatay yung bida because of you...!! Sarap nya iakyat ulit sa Everest tapos itulak pababa.  Stress!!  At true story sya.  Sinong hindi masstress??  Pinakita pa ang pictures ni Ate Japanese.... at ni Doug!!  Ikaw Doug!! Ikaw ang salarin!!

Nastress ako ng slight again..... wait.

Nakaisip tuloy ako ng kwentong stress!! Haha. Sa Thursday na... Asyang meets Ate Mystica.