Ang galing ko sa title no.. (naisip ko 'yan in 5 seconds, bwahaha)
Para saan nga ba ang blog na ito? Parang last week pa nasa draft ko yung title at picture. 'Di ko na maalala kung ano nga bang naisip kong ikwento. Haha.
Well.... I guess, "travel-ish" blog na lang.. actually, food blog na lang pala, i-memory bank ko na lang ang full travel experience (ng bus bloopers, hiking at mga random places na narating nang di sinasadya). Sana napicturan ko pala lahat ng kinain ko, meron yatang kinain ko lang agad. :P
Spicy Beef Noodles at Yong-kang Beef Noodle (since 1963) ~500 NTD for 2 |
Yes! So number 1 talaga namin kinain ay beef noodles sa Taiwan. Hindi naman sya mahirap hanapin kasi malayo ka pa lang matatanaw mo na yung pila sa labas. Mga ilang tumbling lang from the metro station ('yan ang kung sa tamang exit ka lumabas..). For the record, sa tamang exit kami lumabas. So no English, at kahit may checklist sila na pang tally ng order namin, di naman namin mabasa. Medyo inaattempt pa ni tabs na isa-isahin ang chinese characters kung pareho, nauwi naman din sa pagturo lang sa picture. Make sure lang na sabihin mong small ang order mo (small na 'yang nasa picture), unless na lang bongga talaga yung gutom mo, go. By the way, warning ko na. Hindi ako foodie, at di ko madedescribe in detail ang mga pagkain, ang kaya ko lang ay kung masarap, pwede na or kadiri. Kanya kanyang judgment na 'to. But ito, masarap naman kasi talaga. Masarap kahit yung normal/original lang, pero for me, spicy version ang mas winner. 'Di naman namanhid ang bibig ko, pero kasi si Kuya Japanese na kasama namin sa table, nagwaterfalls ang pawis nya. Well, baka lang di sya sanay sa spicy, or baka may factor na large kasi ang inubos nya.
Masarap din, pero mas masarap siguro isawsaw sa suka (mahilig kasi ako talaga sa suka). 'Di ko masyado naisip na balikan kasi halos same lang naman sa mga nakakain sa Pilipinas.
Legit. Masarap. Masmasarap pag may chili.
Scallion Pancake, sa kanto ng Yong-kang ~20 NTD (?) |
Lasang pancake nga. Hindi yung pancake ng pancake house.. yung nilalako or nabibili lang sa kanto-kanto. Except may hints of fishball-ish na lasa. Original yung kinain ko, baka masmasarap yung ibang options: with egg, with cheese.. with everything, everything, everything (kumanta ako). Mahaba kasi yung pila, so nakipila lang kami. Okay lang naman sya. Nothing stellar (wow). Haha.
Ay Chung Flour Rice Noodle, Wanhua District ~50 NTD, small (?) |
Masarap din! Kahit wala kang ilagay, pwede na. Pero masmasarap pag may black vinegar. Tapos konting (as in konti lang kasi ang anghang ng chili sauce nila) chili sauce. Medyo nung bandang huli nga lang iniwasan ko na yung mga pork intestine, kasi nangawit na ako.
Crispy Crab, Raohe Night Market ~100 NTD |
Taiwanese Pepper Angus Beef, Raohe Night Market 200 NTD |
Ito, promise, naenjoy ko. Ang sarap eh. Maraming stalls naman nito, sa kahit saang night market. May mga stalls din na may iba't ibang seasoning. Pero parang best seller ay yung with Himalayan Salt lang. Pero Taiwanese Pepper yung na-try ko, kasi nasa Taiwan ako eh, so why not try ang pepper nila (haha). Super sulit.
Black Pepper Pork Bun, Roahe Night Market 50 NTD |
Masarap din.. kaso.. sobrang busog na busog na kasi ako nung binili ko ito. Pero masarap nga naman, may konting kunat factor yung bread, or mali na yung naimagine ko (medyo, more than a month ago na kasi bago ko pa ito nagawan ng blog). Pero naaalala kong masarap sya ay nanghinayang ako ng wala nang space yung tyan ko.
Hot star large fried chicken
Masarap talaga eh. Actually, sa Australia ko unang na-try ito, habang naglalakad sa may China Town area. So syempre, kinain ko din sa Taiwan. In fairness, same naman ang lasa. Nakakaadik. Medyo nakakatuyo lang ng lips sa alat after a while (kung uubusin mo mag-isa siguro), pero pwede naman uminom, so go lang sa kain. May natikman din akong giant fried chicken sa Shilin Night Market, pero ito pa din ang masmasarap (IMHO). Buti na lang meron na nito dito sa Pilipinas, so kung magcrave man, may chance kumain dito.
Crispy Baguette, Vanilla |
Masarap din, pero pwedeng hindi na balikan. Lasang broas na may vanilla cream. Pero in fairness, masarap nga pala yung vanilla filling nila. Katabi lang ito ng hot star sa may Ximending.
Addiction Aquatic Development |
Yes! Masarap! One of my favorite kinain in Taiwan. Kasi mahilig ako sa seafood at Japanese food. Nasa may fish market lang sya. Kung magmetro ka papunta, medyo may more than 1km lakad from the nearest metro station. May option naman na magbus or magcab, pero maspinili namin ang metro + power walking. Actually, yung walking nakatulong after kumain. Kasi kinailangan kong idigest ang napakarami kong kinain.
So may option ka na kumain sa loob, resto style.. or, maggrocery ka ng mga pagkain at kumain sa labas (which I think is cheaper, actually di ko sure). Pero anyway, naggrocery lang kami, na may kasamang panic kasi hindi ko alam kung anong uunahin. Sa dami ng choices ng mga nakabox na sushi at sashimi, at kung ano ano pang seafood. In fairness sa lahat ng kinuha namin masarap lahat. At bilang isang adik sa miso soup, ang sarap ng miso soup nila. The best. At ang daming laman, na hindi ko na mainintidihan kung anong kinakain ko, pero basta masarap. Price range ~150-350 NTD each para sa mga sushi/sashimi and other seafood boxes. Fresh pa lahat. Basta, ang point ko, try nyo. Favorite ko dito.
Stinky Tofu, Maokong |
Medyo requirement naman na matikman ito sa Taiwan kasi sikat sya at kahit saan maamoy sya. Hindi naman sya nakakasuka. May mga tao kasing nagsabi na kadiri. Not so bad, or dahil lang default na mahilig ako sa tofu. Anyway, kahit saan nga makakakita ka naman nito. Pero itong sa Maokong, (dun lang sa may kainan paglabas mo ng Maokong Gondola station), not as stinky as the usual stinky tofu, and compared sa nakain ko sa Shilin.. mas masarap ito, medyo mas todo ang weird asim kasi yung gulay sa iba, plus masmasarap yung chili nila. Pero as a Pinoy, walang sinabi 'to sa tokwa't baboy natin. Haha. Tokwa't baboy forever.
Oyster Omellete, Shilin Night Market |
Beef Curry, Modern Toilet Restaurant |
Modern Toilet Restaurant |
Sweet & Sour Fish, Modern Toilet Restaurant |
Hmmm... ordinary lang yung food. I guess ipupunta mo lang ang experience na weird sya kasi toilet ang theme. Or baka lang sa dami ng masarap kasi kainan sa Taiwan, di ko sya naappreciate. Chineck lang talaga namin sa checklist na at least na-try namin.
Kung ano man 'tong deep fried taro/yolk custard, Ningxia Night Market 100 NTD |
Sobrang sarap. Sa Ningxia Night Market ko lang ito nakita, at thank you sa nagrecommend na hanapin ito. Isa sya sa mga stalls na may kapilahan, pero sulit naman nga kasi ang pila. Kahit ang pagkalost in translation, sulit na, kasi ang sarap nya. Sana pala dinamihan ko pa ang bili, kaso naisip ko din na busog na busog na ako, as usual. Nakapa-rate limiting factor ng capacity ng tyan ko, huhu. Anyway, medyo more locals than tourists kasi sa Ningxia (or nagkataon lang?) compared to Raohe and Shilin. So.. di kami magkaintindihan ni kuya. Anyway, with some pagturo at pagkamot nya ng ulo sa pag iisip ng english key words, nakabili naman ako.
Anyway, may mga hindi ko na yata nailagay dito. Like yung peanut ice cream roll! Mas masarap yung nasa Juifen Old Street, parang mas quality yung wrap. 'Wag mo din palagyan ng kinchay, weird. Ano pa ba, tea egg, masarap din. O basta, kain lang ng kain!
Bonus: For pasalubong, favorite ko ang hand-made nougat ng Cherry Grandfather. Masmasarap sya kaysa sa mga nasa night market. May mga pa-free taste naman ang mga stores/stalls, so pwede mamili. Pero promise, yan na ang masarap for me (ssabi din ng mga langgam sa bahay namin masarap yan, kasi dinagsa nila yung isang pirasong naiwan ko sa table).
Tsaka... kung ang requirement pasalubong ay pineapple cake (bakit nga ba? binilin kasi 'to sa akin, tapos ang dami nga naman pineapple cakes dun), sa mga tinikman ko, masarap yung nasa Juifen Old Street. Di ko maalala yung name, pero color red ang box, tapos nasa mini gold boxes ang bawat pineapple cake. 250 NTD yung 10 pieces. Pero kung gusto mo ng level up pineapple cake....
Ang sarap promise. Mas mahal nga lang din (mga 3x times yung presyo, haha), pero ang sarap kasi. 'Di ko maexplain. Meron silang plain lang na pineapple cake, pero wag mo na pansinin yun. Mas masarap 'to. Wu Pao Chun sa basement ng Eslite Spectrum Shopping Mall. Di ko natry yung Sunny Hills na pineapple cake, kasi msarap din daw yun. Next time.
Oh well, nagutom na naman tuloy ako.
Wow, after 3 weeks sa drafts, nakatapos din ako ng blog!
Nag-iisip ako ng pang year-end blog eh. Kung wala, edi ito na yun!
Advanced Merry Christmas and may you all have a Blessed 2018.
- Love lots,
Asyang
P.S. May vlog version ang blog na ito. Kain tayo.
Ephesians 2:8-9 (NIV)
For it is by grace you have been saved, through faith -- and this is not from yourselves,
it is the gift of God -- not by works, so that no one can boast.
No comments:
Post a Comment