Thursday, November 5, 2015

Asyang & Tabs: Guilty Pleasures

Haaaaaaay!! Ano ba itong araw na ito? Ang daming ganap.. or hindi naganap (na dapat may ganap!). Well, dahil maraming nangyari today.. magkkwento na lang ako.  Medyo natagalan ang kwento ko, kasi… medyo minunimuni ko ‘to nang matagal, kung ishashare ko sa inyo ito (hello to my judgy friends, haha).  But anyway, fine, go na, pero mangdadamay ako.  Hello Tabs!

Hello Tabs… kasi karamay kita sa mga kaadikan kong ito.  Ang mga guilty pleasures...  Like, unahin na natin ang Pretty Little Liars.  Na kahit sa age na ito, sinusubaybayan ko pa din ang mga adventures sa Rosewood high school.  Pero kasi, let me explain, naadik kami dito, kasi adik kami sa mystery… at mga clues, sa details, at sa mga theories.  At crush ko si Tyler Blackburn. (Haha).


 
Bukod dyan, mahilig kami sa mga taong mga may tama sa ulo.  May topak.  Ganyan.  Hence, our fascination for Amy Schumer, JLaw… and tenenen… Natalie Tran! (Sino ‘yan?.... secret!)  But bukod sa kanila, may dagdag pa sa listahan, na connected sa next kwento:

Nung isang araw,  katext ko si Tabs:

Sabi ko kay Tabs, may kwento ako.  Kung paano napadpad si Maine Mendoza sa Eat Bulaga.  Tinanong nya kung paano.  Sabi ko, sa interview ni Jenny Ferre, sabi nya, kinuha nila si Maine, na hindi lang basta sa dubsmashing skills nya, but because mukhang makapal ang mukha at may topak sya. (which is bakit din kami naadik sa kanya bago pa man sya mapadpad sa Eat Bulaga)

Sabi ko kay Tabs, di mo ba itatanong kung paano ko nalaman yan? So syempre tinanong na ng nya... ganito kasi ‘yan…

Nung isang araw, kailangan ko ng ballpen… tsaka index cards… tsaka ng kahit anong feeling ko important na makita ko sa National Bookstore.  

So nagshopping ako sa bookstore.  

Tapos ang haba ng pila.   

Tapos finally, nung turn ko na.. napunta ako kay cashier ate #2.  

Tapos sa station nya, may nag iisang magazine.  At sa apat na magkakatabing cashier ates… sya lang ang meron nito….



Tada! So, wala na din sya.  Kasi pinasalubong ko na kay Mama ang nag-iisang copy nya.  Pero binasa ko muna no.  Pero to clarify things, wala po kami ni Tabs sa Philippine Arena nung Tamang Panahon.  'Di pa kami umabot sa level na 'yan.  Benta lang talaga sa amin si Maine... at ang JoWaPao.

No comments:

Post a Comment