Thursday, February 4, 2016

Popcorn Chronicles: The 5th Wave


Study break!! Study break nga ba itong tatawagin kung ang tanging nagawa kong attempt to study ay buksan pa lang ang libro sa first page ng chapter? Haha… wait lang… wala pa akong motivation to reaaaaad..

So I’ll write something na lang…..

Wala akong kwentong pang adik na maalala L

But, ayoko pa talaga magbasa.  So… medyo sinabi ko kasi na ittry ko magshare ng mga thoughts ko about movies.  Hmmm… actually, for some reason na-eenjoy ko ang mga war movies/tv series, ie. Saving Private Ryan, Band of Brothers… (Yes, bagong bago)  Or mga CIA-ish stuff like Homeland (Carrieeeee!!) Medyo ok din ang mga alien invasion stuff like Independence day… (btw, 1996 pa yan… 20 years ago.. whaaaat?!?) or para mas recent Pixels.  Haha pero di ako fan ng M.I.B.


Anyway.. last year, pinalabas ang trailer ng The 5th Wave na movie Chloe Moretz.  Na mukhang okay naman sya.  Alien invasion, tapos may teenager na may baril, na hinahanap ang baby brother nya.. etc.  So pinanood ko.  Nuns start, ok pa, kasi all about alien invasion.  Kung paano unti unting inuubos ng mga alien ang mga tao sa mundo.  Nawalan ng source of energy, umapaw ang mga lake, nag major tsunami, nagkaron ng pagkalat ng infectious disease.. and all that stuff.  Until, ang fifth wave, na nag invade sila ng mga human beings para patayin ang mga natitirang tunay na human.

Spoiler ba? Okay lang ‘yan, kasi kung nakabasa lang ako ng spoiler, hindi ko na sya pinanood sa sine.  Una sa lahat, nagkahiwalay silang magkapatid dahil lang nakalimutan ang teddy bear at naiwan sya ng school bus kasi binalikan nya ang teddy bear.  (Very, very wrong)  Hindi man lang sila nagkahiwalay in the middle of whatever kaguluhan.  Haha.  Tapos… may lalaking nagsave sa kay Chloe Moretz nung nabaril sya… na syempre, eventually, nagka-thing sila, at after  nila mag make out session, nalaman ni Chloe Moretz na some alien sya, na iniwan sa earth, at lumaki as a human, and then inactivate nung bumalik ang mga alien.  Pero sinave nya si Chloe Moretz kasi na-love at first sight sya kay Chloe Moretz.  So… hindi sya talaga alien invasion movie, isa syang chick flick.

Tapos, yung mga batang “sinave” ng military ay pinagtraning for war, kasi sila daw ang pag-asa ng human race.  Para patayin ang mga alien na nang invade ng human body.  But it turns out, ang mga military people ay ang mga alien, at ginagagamit lang ang kids para patayin ang  mga natitirang survivor.  Tapos… yung bida sa mga batang yun ay ang high school crush ni Chloe Moretz.  So yes, chick flick talaga.  In the end, sila ang nagtulungan na irescue yung batang kapatid ni Chloe, at si alien person na nainlove kay Chloe ang nagpasabog ng alien camp para patunayan ang kanyang pagmamahal.  Bow.  Actually, at one point, tinanong ko talaga yung sarili ko…. What is happening?!?!


Medyo bitin yung dulo, kasi di pa completely natalo ang aliens, at more importantly, di sinabi kung sino ang nagkatuluyan.  Kung mapupunta ba sya kay Evan Walker… ang alien/human person na na-inlove sa kanya, or kay Ben Parish, na tunay na human at crush nya sa school.  Abangan natin ang part 2. Excited na ako!

3 comments:

  1. Naniniwala ako na dapat damihan mo pa ang Popcorn Chronicles mo. I mean, kinda make sense since adik ka diyan might as well.

    Pero I beg to differ, 5th Wave is one of the best movie I have ever seen. Next to Transporter.

    ReplyDelete
  2. Haha sana may mauto ka as statement mo na yan

    ReplyDelete
  3. May gawd, bakit ako na ispoil? pero dahil crush ko ang bida, i will attempt to check this one! hahahahaha

    ReplyDelete