Wednesday, May 25, 2016

Asyang, at ang Listahan Part II

Wow, umuulan na.  Grabe, may times nang medyo lumalamig.  Hindi na whole day na nakakatunaw ang weather.  I love rain. Chrysalism.  (Wow... paki-google).  Syempre except kung sakuna na yan, like Yolanda.  Yung saktong pang emote na ulan at kulog lang.  Tsaka, isa sa mga hate na hate ko lang pag umuulan ay ang squishy shoes.  Eiw.  Mabasa na lahat, wag lang yung paa ko, pagnakashoes ako.  *Squish, squish*  Kaya pag umuulan, dapat boots lang (yes, dahil required 'yan dito sa Manila, lalo na sa Taft) or slippers.  At least sa slippers, matutuyo lang din sya, or kaya ko punasan.  Pero weird, kasi may kilala akong mas preferred ang shoes... like squishy shoes.  I don't understand.  Bakit mo gugustushin ang prune-like-toes dahil nakababad sya sa basa.  So, yan na ang Number 5 sa listahan.

Number 6:  Narealize kong... 'wag nyo sana akong ijudge, kung ang dami kong kinaiinisan.  Hindi naman lahat lahat, like all out inis.  Yung iba, medyo nakakabother lang.  May levels.

Anyway, back to number 6.

Alam mo yung mga eskinita... or hallway.. na maliit lang... yung medyo sakto lang sa magkasalubong na tao.  Tapos may barkadang namamasyal, chika chika, kebs sa mga mga taong nakapila sa likod nila KASI ANG BAGAL NILANG MAGLAKAD TAPOS WALANG SPACE PARA MAKAOVERATAKE KA.  (Nafeel mo yung level ng inis ko? All caps,  para intense) Huwag kayo humarang utang na loob, nagmamadali ako.


Or.. ito, hindi ako naiinis.. medyo naweiweirdan lang ako.  Na medyo madalas pa mangyari sa akin.  Hanggang sa ginawa ko na syang experiment for a time.  Yung pag may makasalubong ka, tapos for some reason... marerealize mong pag tinuloy nyo pareho ang direkyon na tinahak nyo, magkakabunggo kayo.  Like face to face.  Tapos magkaharap kayo, stranger to stranger, ittry mo sya kausapin telepathically kung sino ang pupunta sa left side ng daanan or sa right... pero di gumagana.   Tapos sa bawat attempt nyo pareho pa din kayo ng direksyon.  So, ginawa ko, everytime na may ganyan, titigil ako.  At tatayo na parang poste, tapos sya na bahala magdecide.  Alam mo kung anong nangyayari?  Mga nakatatlong tao na 'to, na medyo recent (kasi madalas nga sya mangyari, di ko alam bakit), na hindi na ako gumagalaw, dun pa din sila pupunta sa kung san ako nakatayo, or, aattempt nila mag left, tapos aatras para magright na lang.  Isang beses, muntik na talaga ako matawa.  Ate, decide!! It's your choice, di na ako gumagalaw. Wag ka mag cha-cha sa harap ko.  No joke.  Muntik na ako matawa sa kanya.

Number 7:  Sabi ko nga, mabilis ako mag CR.  So 'pag may kasama ako, madalas, ako yung maghihintay.  At habang naghihintay ako, syempre, mag oobserve ako.  Very wrong lang talaga ito.  Na may mga taong hindi gumagawa nito.  Kung sa bahay nga automatic ito, lalo na dapat sa public restrooms.  Ito ay ang.... Handwashing.


Seriously, naiimagine mo ba kung anong mga nasagap na germs ng kamay mo sa banyo?!  (Hindi ko rin alam exactly.. so: http://www.womenshealthmag.com/health/public-bathroom-facts)  Ang alam ko lang, bawal silang baunin sa kung saan ka man pupunta next.  Hindi pa man ako doctor (na nakapag attend ng mga proper handwashing lectures... lecture talaga), alam ko nang dapat kang kumanta ng Happy birthday habang naghuhugas ng kamay.  Kung irarason mong never ka pa naman nagkasakit, fine.  Kaadiri pa din, naiimagine ko pa lang.

to be continued


Tuesday, May 17, 2016

LSS

Actually, dapat magkkwento about the last movie we saw.  Well, every weekend... actually every Saturday, nanonood kami ng movie.  Kung may maganda man or wala, go 'yan basta walang ibang agenda.  Kung walang maganda, we choose a random movie, and hope na lang na maganda.  Last year, the worst talaga ang transporter... pero after last saturday... scratch that WORST MOVIE: Transporter 2... may bago na akong answer... Precious Cargo.  Seriously, sino ba nagproduce non? Ang panget talaga, promise.  Unang hint na panget sya, sa pila pa lang, OP na kami, kasi puro nakapower card ang mga tao.  'Yung mga senior citizen na ang goal ang ay magpalamig sa sine, since libre sila.  But anyway... dahil ang masasabi ko lang ay panget sya, playlist blog na lang ulit.  Actually, this is inspired by Dr. Rmin Miranda, at sa ilang araw naming LSS.

Please play nyo to, at damayan nyo kami.  Hindi ko alam kung bakit to pinapanood ni Rmin, at bakit nasilip ko pa.  
1. Bonakid Theme Song

Very very wrong.... ilang araw namin kinanta ang Bonakid 3 Plus... parang hanggang ngayon... help.  Pag three pataas.... mag Bonakid pre-school, three plus! Isa pa ulit, Pag three pataas.... mag Bonakid pre-school, three plus!

2. Middle
Not so bad as an LSS, well compared to number 1.  Kaso nung time kasi na LSS ko to, hindi ko alam ang lyrics nya... so actually yung paulit ulit kong kinakanta ay... with you in the middle... ten tenenen tenen.  Yes, yung nasa 1:00 min ng video kung di mo gets.  As in 'yan lang, paulit ulit.  Pero ngayon, medyo alam ko na yung lyrics.

3. Youth
Bilang kahit saan ako magpunta recently, mall... or sa uber... or... wala na akong maisip... pero diba, maririnig mo sya.  In fairness to Troye Sivan... maganda naman.  Although yung Happy Little Pill nya, mas gusto ko yung cover version ng Superfruit.  Pero kung mas gusto nyo ng acoustic, may version din sya.  


Hmmmm... 'yan lang pala ang LSS ko lately... at least yan lang naalala ko sa ngayon.  Haha.  But just to complete my "list", lagay ko na lang ang mga "most played" ko recently... let's see....



Wednesday, May 11, 2016

Asyang was attacked!

So... it's been a while... again. Haaaay. Well this time, hindi naman sa busy busyhan, tinamad lang talaga ako.  In general.  I have those moments...  of katamaran.  Hence, my not studying for the exam and endless hours na naubos watching youtube videos and tv series.  Ngayon, trying to get back to my usual routine.  

So sabi ng schedule ko, kailangan na ng progress ng powerpoint ko for my lecture.  Kaso gusto ko pa tumawad ng konting slack time pa...

So let's see, my random thoughts... oooohhh! So last week ay PCP convention sa Marriott.. after nung isang lecture, had to go to the toilet.  Pero dahil kakatapos nga ng lecture, medyo sabay sabay nakaisip yung mga tao ng 'oooh! toilet break!', so ang daming tao.  Feeling ko naman keri ko pa, so bumalik muna sa mga friends ko at sabi ko later na lang dahil ten year yung haba ng pila.  Lumipas pa ang ilang minutes, (naiimagine ko yung sound effect sa movies, pag may may time lapse, or yung nag iimagine sila.. ten den den..) until, di ko na keri.  Pero this time... maluwag na sa CR.  Yey! 

Isa sa mga pet peeve ko, yung mga taong matagal sa cubicle, kahit alam nilang ang haba ng pila. Kasi diba, di mo bahay.  Isipin mo naman ang kapakanan ng mga taong ihing ihi (or jebs na jebs) sa labas. Rapido.  Ganon.  So minsan, pag super tagal nung tao sa cubicle, tapos ang dami nang lumabas sa ibang cubicle, na mas late pang pumasok sa kanya, ang expectation ko ay dapat pang miss universe na itsura nya paglabas.  Tipong dapat nakapagbihis na sya, blow dry ng hair at make-up sa tagal nya sa loob.

Anyway, hindi ako matagal. Actually, patapos na ako nung biglang may nag attempt buksan yung cubicle ko.  Tinry nya isa, tapos medyo nagpanic ako, kasi akala ko bubukas habang I was still in a very vulnerable state.  Buti na lang, hindi nagiba ang lock.  So akala ko nagets na ni ate sa labas na may tao pa.  After 3 seconds, inattempt nya ulit... paulit ulit.  Ate!! 'Wag kang mamressure!! Binibilisan ko na po.... and then, pagbukas ko ng pinto....


I wish nag e-exaggerate lang ako, pero na-trauma ako, kasi ganyan talaga sya pagbukas ko nang pinto.  Minus the sibak... plus a sosyal handbag on the other arm, sabay sabi nang... "ihing ihi na ako!!!".  Seriously, nag panic ako.  Kasi pumapasok na sya sa cubicle nang hindi pa ako nakakalabas. 

As in dumikit ako sa wall bigla kasi sumugod si Ate.  


Actually, hindi ganyan, kasi nagulat talaga ako... Feeling ko, more of ganito....


Shucks, sana napicturan ko yung itsura ko nung moment na yun.  Feeling ko benta.  Anyway, nakalabas naman ako nang buhay, with palpitations for a few seconds before ako nakarecover.

So that was my traumatic experience.  Whew!  Aaaaaaaaand... my extra slack time is over.  Back to work.