Ang dami ko na naman inaatupag. Nakalimutan ko na naman tuloy itong blog ko, hu hu hu. Pero, I promised, na hindi ko na ineneglect ang aking blogging duties. For my future self. Anyway, chineck ko ang listahan ko, wala kasi akong maikwento na interesting... so...
nung grade school ba kayo nauso sa class nyo ang autograph? Yung katulad nang nasa picture..
Anyway, sa amin kasi nauso yan, yung nabibili sa national bookstore. So syempre, gusto ko din, para cooll ako. Kaso ayaw ako ibili ni Mama. Sabi nya, gagawan na lang nya ako ng slam book / slum book (bilang artsy artsy si mother). True enough, ginawan nya talaga ako, from scratch. Recycled notebooks, colored pens, magazines, glue, tira tirang wrapping paper... tadah!
Anyway, sa amin kasi nauso yan, yung nabibili sa national bookstore. So syempre, gusto ko din, para cooll ako. Kaso ayaw ako ibili ni Mama. Sabi nya, gagawan na lang nya ako ng slam book / slum book (bilang artsy artsy si mother). True enough, ginawan nya talaga ako, from scratch. Recycled notebooks, colored pens, magazines, glue, tira tirang wrapping paper... tadah!
syempre hindi yan ang actual, pero para sa mga hindi nakaexperience nyan, ganyan sya. Pipili ka ng number, then every page, susulat mo yung answer mo sa number mo. Eventually, di na cool ang nabibiling autograph sa national bookstore. At 'must-have' na sa class ko ang artsy slam book.
Tapos naalala ko, nung high school ako, parating nagrereklamo yung circle of friends ko, na napakasecretive ko daw. May issues pa ako nun sa buhay. #teenager. Pero ngayon, wala naman na, so ang dami ko nang kwento no? Minsan, gusto ko na nga pigilan yung sarili ko magkwento, kasi feeling ko, ayaw na nila makinig sa mga napakarandom sharing ko. Pero sa mga friends ko lang ako madaldal, in real life, tahimik ako.
Pero 'di ko pipigilan tonight ang pagsheshare ko ng random things about me. Dahil.... wala akong kwentong adik. Slam book entry #1 na lang muna.
---
> My name is Frances Alexandra. Frances ay galing sa paternal lola na Francisca, at Alexandra from my maternal lola, Alejandra. Para walang tampuhan. Wala akong naabutan na lolo, so sila lang. Ang nickname na Ace ay walang origin. Gusto lang ni mother.
> Akala ko unique na ang name ko, pero nung high school, may kapangalan ako. Lamang lang sya ng I... Frances Alexandria. At hindi Ace ang nickname nya.
> My favorite color is...
> Super naadik ako sa nail polish. Actually, ang goal lang naman dati ay bawal ang maruming nails. Pero eventually, naging regular reward for myself na 'yan.
> No to Hawaiian pizza
> Yes to books... kahit ang dami ko pang hindi nababasa *tears*
> Coffee or tea? COFFEE. and my default starbucks drinks: iced soy latte or iced green tea latte
> Kaya ko ito ubusin
- 'yan muna for now -
Hello, pwede ko po bang gayahin post niyo? I'm your number 1 avid blog reader :)
ReplyDeletehoy tabs! 'wag kang ano dyan... haha :P
DeleteNumber 1 fan!! Number 1 fan!!!
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAng dami kong natutunan sayo in just one post! baka mag ka stalker ka nyan asyanG! kelngan ko nalang malaman ang home address mo, close friend na talaga tayu sa part na itu. :) :P
ReplyDeleteactually, napaisip nga ako dyan eh. edited na yan... haha bawas bawas din ng info... :P
Delete