Monday, January 4, 2016

Happy 2016! - love, Asyang


Happy new year!! Alam ko na late na, (actually, January 1 ngayon, pero sa Monday ko pa ito mapopost) but let me explain. ..

Umuwi kasi ako ngayong Christmas break.. kasi wala naman akong pasok (yehey!).  Sabi ko, kahit mahaba ang to-do list ko, isisingit ko pa rin ang plano kong countdown blogs… mga balik-tanaw sana sa mga pinag gagagawa ko sa buhay for 2015.  Kaya lang, walang signal sa bahay ko.  Lahat ng pocket wifi, tinry ko na: globe, sun, smart.. tinry ko na ilagay sa bintana, sa garden, sa garage. Waley.  Hence, my absence in social media.  Nabibilang lang nya ang notifications, pero di ko nababasa…. Whhhhyyyyy? Actually, kahit text message, nahihirapan na ako mag-send.

Pasensya na sa mga hindi ko nagreet ng Merry Christmas at Happy New Year! Hindi ka nag-iisa, kasi mom ko lang at si Potch ang naggreet ko.  Gumive-up ako sa kakapindot ng try again.  May mga narecieve naman ako na text… actually, ang blog na ito ay specially para i-share ko ang pinakamemorable (yes, ito na yata talaga) na greeting ng happy new year.

Sa mga single na tulad ko, nabibilang nyo pa ba kung ilang times na kayo tinanong nang, "kailan ka magpapakasal?" Ano ba ang dapat sagot dyan? Bukod sa maganda kong smile, at balik-question na, "kanino pala!?" Haha anyway, di naman ako actually nabobother, pero ito na nga kasi ang greeting nya sa akin:

Text number 1:

PTL! (Praise the Lord!) Gud am sis Ace.  May boyfriend ka na? Dapat christian din.  Hwag kang gumaya kay ***** o ***** (yes, nagname drop talaga sya… ) matatanda na.  (Grabe ka naman sa matanda na)  Kung wala pa mag pray ka.  Maganda ka naman. Dapat may family ka na this 2016.  Happy New Year.  God is good.

In fairness, natawa talaga ako.  Kilala ko na kasi sya, so natawa lang talaga ako.  Tama naman sya, na dapat christian, at dapat ipagpray, God is good, at maganda ako.  (Hahahaha joke lang).  Akala ko tapos na…  after 10 seconds…

Text number 2:

Mabilis ang panahon.  Mamaya menopausal ka na.  Mag pray ka. 

Actually, may text number 3 pa, pero wag nyo na basahin.  Uyyyy, di ko inimbento ‘yan ha.  Sinabihan nya talaga ako na magmemenopause  na ako. Ganyan talaga ang concern at greeting nya para sa akin sa first day of 2016.

Pero as a reflection to that, ang totoo ko ngang sagot pag tinatanong ako, ay.. kung darating, darating.  Kung wala, edi wala.  Because seriously, I trust the Lord’s plan for me.  (Amen!)

So... late man ako, babati pa din! Happy 2016 ulit sa inyo! Muah!

P.S. GRABE.. di ko alam kung anong plan ng kapitbahay namin, pero ang sakit na ng ulo sa buong araw nilang pagvivideoke ha.


No comments:

Post a Comment