Hindi ako prepared for a birthday blog.
'Yan lang yung title kasi nagbirthday ako nung Sunday...
Again, let me explain. Natunaw yung cake, kasi ang traffic pauwi sa bahay ko. Actually, nagslide lang naman yung top layer, tapos dumikit sila sa box. Pero maiinggit kayo, kasi favorites ko ang mga yan from Slice. I have a birthday-cake-ni-Asyang from Slice. Yema Cheesecake is the best. And Caramel Yema Chiffon ang runner-up. Thank you ulit kay Chef Michelle Mae Vivo. You are the best.
Anong ginawa ko nung birthday ko?
Gumulong ako sa kama. Kumain sa kama. Gumulong ulit.
Seryoso. Kasi na-miss ko yung kama ko. Yung bed sa bahay ko. Kasi after 1 month, nakauwi ako. Kaya rin ako walang kwento, kasi busy-busyhan ako as a rotator sa NKTI. Na napakalayo. So extra early than usual ang gising ko, Tapos commute papunta, then uber pauwi. Kasi mahal kung uber pareho. At scary kung FX pa rin sa gabi. Hence my FX-Uber routine.
At dahil nagcocommute ako, I have commute kwentos. Nung isang araw, sumakay ako ng FX. Tapos dun ako sa gitna, (actually, choosy na ako. Yung mahabang van na lang sinasakyan ko, kasi pag yung FX, pinagsisiksikan yung 4 sa gitna, na dapat inhale ka nang malala tapos konting exhale lang, kasi ang sikip na.. lalo na, kung may medyo chubby pa sa helera nyo. No offense sa malusog, pero Kuya Driver, hindi na po talaga kami kasya kahit itodo pa namin ang inhale.) sa tabi ni Ate, at nang isang Kuya na nakablack at may yakap na backpack. So may background music kami, yung radyo, pero mahina lang. Tapos... nag ring ang phone ni Kuyang nakablack with a backpack:
KB: Hello? (medyo mababa yung boses ni Kuya, tapos seryoso)
Hindi ako nakauwi. Nasan si Criselda? (Hindi nya tunay na pangalan.)
Criselda: Hello?
KB: Ipasundo mo ako.
Criselda: Saan? (actually, di ko naman sya naririnig, inassume ko lang kasi ang sagot ni Kuya ay...)
KB: Sa presinto.
Criselda: Bakit?
KB: Eh.. nakasaksak ako eh. (Again, seryoso ang boses ni Kuya. Sabay kamot sa ulo.)
Basta pasundo mo ako. Ngayon na.
Criselda: *di na ako makaisip kung anong sinasabi nya kasi naloka na ako ng slight sa statement ni Kuya*
Asyang: *peripheral vision on* napakapit ng tight si ate sa bag nya after ng statement ni Kuya. *thought bubble* wala naman kami sa presinto, so nangjojoke tong si kuya dapat
KB: Papuntahin mo na nga!
Asyang: *though bubble* shet, either nakasaksak talaga si Kuya at may history sya ng pagkakakulong or ang galing nyang voice actor
KB: Dito! Sa presinto *may address syang bingay*
Asyang: *peripheral vision* deadma naman kaming lahat
KB: G@g*, pauwi na ako. Hahahaha.
Asyang: *peripheral vision* nag exhale si ate, sabay relax ng kamay. *though bubble* kuya, di ka funny
Tapos binaba nya yung phone. Sabay sandal sa bintana at natulog. Whew! So medyo may kaba/confusion yun ha. Buti na lang may Ate sa gitna namin ni Kuya. Anyway, back to silence in the FX... tapos after a few seconds... tumugtog ang Imagine You and Me sa radyo. ('Wag kang ano... alam mo yang kantang 'yan.) Tapos... si Kuya Driver, na malaking tao, with a man bun sa gitna tapos nakashave yung gilid... yung tipong kung mamatay tao nga si Kuya with a backpack, kaya nyang hilahin pababa ng FX nya... kumanta... nang malakas:
It would be nice to have yooouuu.. in my life...
Would there be a chance... for you to give it a try..
and then narealize nya sigurong puno ang FX nya, biglang humina yung boses nya, tapos ang hum na lang sya.
Asyang: *ang weird ng umaga ko, kailangan ko na ng kape*
Anyway, back to my birthday... Hindi naman actually talaga ako mahilig magcelebrate ng birthday. Ang natatandaan ko lang, naghanda ako nung 16th birthday ko, pero actually, thanksgiving yun, kasi nagkamajor car accident kami mga 2 months before. So yung celebrate na party, party and other birthday rituals for me, hindi ako masyado fan. Thankful ako for every year, di lang ako mahilig magcelebrate. So nung birthday ko, umuwi lang talaga ako. Nagbinge eating kami ng kapatid ko ng pizza, pasta at spicy wings. May wine at cheese pa sana kaso di na namin kinaya. Tapos nung following day, Chinese food party naman. Tapos bumalik na ako sa Taft. Ayun. Nagbirthday ako. Haha. Thank you ulit sa mga nag greet!