Monday, January 25, 2016

Asyang at ang Kwento ng Bisugo


Ito na nga.. ang kwento ng bisugo.  

Si Rmin kasi, ay ang NKTI rotator, at nung Saturday... inaabangan nya si Dr. Baylon para magrounds.  Sabi ko sa kanya, tapos na yung meeting namin ni Ma'am, so abang pa sya.

Sabi nya, gutom na sya.  Sa mga panahong iyon... kasama ko si Tabs, at nakapila kasi sa churros-san.  Actually, nakabili na yata kami non, pero ang tagal kasi ibigay ng churros.  So nakaabang ako kay Ate, as in di ako umaalis sa harap nya para mapressure sya.

Asyang: Awww. Kawawa naman si Rmin gutom na.  (Sabay abot ng phone kay Tabs)  Aliwin mo muna (kasi priority ko ang pressurin si ate dito sa churros)

Tabs: Ok.. (sabay text)


Asyang: Bakit kalentong? May kailangan ka sa Kalentong?
Tasbs: Wala. Wala lang.


Asyang: Bakit ang tagal ng churroooossss??
Tabs: (busy sa text... slightly tumatawa mag-isa)


Asyang: (basa ng text) Alam ko kung saan yung Kalentong! Pwede dumaan don pag pupunta sa PGH! Anong meron sa Kalentong?
Tabs: Ewan ko (text ulit)
Asyang: (balik ulit kay Ate churros)



Asyang: Bakit market?
Tabs: Ewan ko, baka sikat yun don.  Hahahaha.
Asyang: Bakit bisugo?!?! Ano ba ang bisugo?! Sea food ba yan?
Tabs: Isda... (pero tumatawa na kami pareho)

Actually, di ko ineexpect na papatulan pa kami ni Rmin.... kasi sa totoo lang, tawang tawa na kaming dalawa ni Tabs.... but wait, may kasunod pa...


Asyang: Bakit nya iniisip na pupunta ako sa Kalentong para sa bisugo?!? 
Tabs: (di makasagot sa kakatawa, pero text pa din)


Kami lang ba? pero tawang tawa kami ni Tabs sa gold fish.  Orange na maliit.. so gold fish nga? Kaso, sumagot pa din naman si Rmin...


Di na kami makapag usap actually ni Tabs, kasi tawa na kami ng tawa. In fairness, yan pala ang bisugo.  


Hindi na ako nakareply, kasi nanood na kami ng Our Brand is Crisis.  
Kami lang ba ni Tabs? O medyo obvious naman na hindi normal na conversation yun? I mean, knowing me, bakit naman ako pupunta sa kalentong para sa bisugo? But apparently, papasa syang normal conversation with me, kasi may humabol...


May nag-offer sa akin ng help.  Hahahaha. (Love you momma Jaymes)

Hindi pa natapos dyan... kinabukasan...


So sinabi ni Rmin kay Dr. Baylon, na pupunta ako sa NKTI para magdala ng bisugo. 

Rmin, singilin mo na lang si Tabs ng bisugo ha. Love you!




Wednesday, January 6, 2016

Asyang's 2015 Movie List



Belated happy new year ulit!!  Sabi ko nga, dapat countdown blogs ito… pero nakapag explain na ako kung bakit ngayon ka lang… dumating sa buhay ko.. (nagvivideoke pa din ang kapitbahay namin!! Ano ba kuya!! Anong pinagdadaanan mo?!)
Kaya ko pa din naman pala mabuhay without twitter, facebook at kung ano-ano pa.  Nakapag catch-up ako sa mga tv series, at finally, napanood ko na ang Star Wars Episode 1 to 6.. nahiya naman kasi ako na parati kong sinasabing adik ako sa movies, pero ni isang Star Wars movie wala akong napanood.  So ayan.  Bakasyon na bakasyon sa bahay, na-enjoy ko ang bonding ko sa bed at tv..  syempre with my family din naman, in fairness. But aymishusomaaaaats, social media.

Anyway, sige, fine.  Kahit di ko na sya nagawa, balik-tanaw na lang kasi sayang naman ‘to.  Ineffort ko ito panoorin lahat para lang makapagpost ng listahan.  So ang 2015 ko ay punong-puno ng movies.  Sana naalala ko silang lahat. Ito na, in no particular order.. .(haha, sino nakagets non? Kung di mo gets… secret)

Maze Runner: The Scorch Trials
Spectre
The Man from U.N.C.L.E.
Burnt
The Martian
The Transporter: Refueled
Everest
Heneral Luna
Pitch Perfect 2
The Mockingjay Part 2
Inside Out
Hitman Agent 47
Paper Towns
Magic Mike XXL
Mission Impossible: The Rouge Nation
Fantastic Four
Pixels
Trainwreck
San Andreas
Jurassic World
American Sniper
Fifty Shades of Grey
Insurgent
Furious 7
Insidious Chapter 3
Avengers
Max
Minions
Age of Adaline
In the Heart of the Sea

Tapos may required na MMFF movies every year… kung anong pinanood ko, secret ko na ‘yon.  Anyway, feeling ko may kulang pa dyan eh.  Pwede na rin siguro ako mag movie blogs sa kaadikan na ‘yan.  Kaso ang masheshare ko lang ay… kung pano ako natunaw sa silya ko nung naghihiyawan ang mga teenager sa sine sa mga kilig moments sa A Fault in Our Stars (ayan! 2015 din ba yan?) at kung ilang beses ko sinabing “bakit ba natin pinanood to?” habang nanonood ng The Transporter.  We’ll see.. baka this 2016 i-push ko ‘yan.

P.S.  Sa sine ko lahat pinanood ‘yan ha.  No to piracy.  Piracy is a crime, sabi ni Derek Ramsey.



Monday, January 4, 2016

Happy 2016! - love, Asyang


Happy new year!! Alam ko na late na, (actually, January 1 ngayon, pero sa Monday ko pa ito mapopost) but let me explain. ..

Umuwi kasi ako ngayong Christmas break.. kasi wala naman akong pasok (yehey!).  Sabi ko, kahit mahaba ang to-do list ko, isisingit ko pa rin ang plano kong countdown blogs… mga balik-tanaw sana sa mga pinag gagagawa ko sa buhay for 2015.  Kaya lang, walang signal sa bahay ko.  Lahat ng pocket wifi, tinry ko na: globe, sun, smart.. tinry ko na ilagay sa bintana, sa garden, sa garage. Waley.  Hence, my absence in social media.  Nabibilang lang nya ang notifications, pero di ko nababasa…. Whhhhyyyyy? Actually, kahit text message, nahihirapan na ako mag-send.

Pasensya na sa mga hindi ko nagreet ng Merry Christmas at Happy New Year! Hindi ka nag-iisa, kasi mom ko lang at si Potch ang naggreet ko.  Gumive-up ako sa kakapindot ng try again.  May mga narecieve naman ako na text… actually, ang blog na ito ay specially para i-share ko ang pinakamemorable (yes, ito na yata talaga) na greeting ng happy new year.

Sa mga single na tulad ko, nabibilang nyo pa ba kung ilang times na kayo tinanong nang, "kailan ka magpapakasal?" Ano ba ang dapat sagot dyan? Bukod sa maganda kong smile, at balik-question na, "kanino pala!?" Haha anyway, di naman ako actually nabobother, pero ito na nga kasi ang greeting nya sa akin:

Text number 1:

PTL! (Praise the Lord!) Gud am sis Ace.  May boyfriend ka na? Dapat christian din.  Hwag kang gumaya kay ***** o ***** (yes, nagname drop talaga sya… ) matatanda na.  (Grabe ka naman sa matanda na)  Kung wala pa mag pray ka.  Maganda ka naman. Dapat may family ka na this 2016.  Happy New Year.  God is good.

In fairness, natawa talaga ako.  Kilala ko na kasi sya, so natawa lang talaga ako.  Tama naman sya, na dapat christian, at dapat ipagpray, God is good, at maganda ako.  (Hahahaha joke lang).  Akala ko tapos na…  after 10 seconds…

Text number 2:

Mabilis ang panahon.  Mamaya menopausal ka na.  Mag pray ka. 

Actually, may text number 3 pa, pero wag nyo na basahin.  Uyyyy, di ko inimbento ‘yan ha.  Sinabihan nya talaga ako na magmemenopause  na ako. Ganyan talaga ang concern at greeting nya para sa akin sa first day of 2016.

Pero as a reflection to that, ang totoo ko ngang sagot pag tinatanong ako, ay.. kung darating, darating.  Kung wala, edi wala.  Because seriously, I trust the Lord’s plan for me.  (Amen!)

So... late man ako, babati pa din! Happy 2016 ulit sa inyo! Muah!

P.S. GRABE.. di ko alam kung anong plan ng kapitbahay namin, pero ang sakit na ng ulo sa buong araw nilang pagvivideoke ha.