Thursday, December 3, 2015

Asyang's Slam Book #1


Ang dami ko na naman inaatupag.  Nakalimutan ko na naman tuloy itong blog ko, hu hu hu.  Pero, I promised, na hindi ko na ineneglect ang aking blogging duties.  For my future self.  Anyway, chineck ko ang listahan ko, wala kasi akong maikwento na interesting... so...

nung grade school ba kayo nauso sa class nyo ang autograph? Yung katulad nang nasa picture..

Anyway, sa amin kasi nauso yan, yung nabibili sa national bookstore.  So syempre, gusto ko din, para cooll ako.  Kaso ayaw ako ibili ni Mama.  Sabi nya, gagawan na lang nya ako ng slam book / slum book (bilang artsy artsy si mother).  True enough, ginawan nya talaga ako, from scratch.  Recycled notebooks, colored pens, magazines, glue, tira tirang wrapping paper... tadah!



syempre hindi yan ang actual, pero para sa mga hindi nakaexperience nyan, ganyan sya.  Pipili ka ng number, then every page, susulat mo yung answer mo sa number mo.  Eventually, di na cool ang nabibiling autograph sa national bookstore.  At 'must-have' na sa class ko ang artsy slam book. 

Tapos naalala ko, nung high school ako, parating nagrereklamo yung circle of friends ko, na napakasecretive ko daw.  May issues pa ako nun sa buhay.  #teenager.  Pero ngayon, wala naman na, so ang dami ko nang kwento no?  Minsan, gusto ko na nga pigilan yung sarili ko magkwento, kasi feeling ko, ayaw na nila makinig sa mga napakarandom sharing ko.  Pero sa mga friends ko lang ako madaldal, in real life, tahimik ako.

Pero 'di ko pipigilan tonight ang pagsheshare ko ng random things about me.  Dahil.... wala akong kwentong adik.  Slam book entry #1 na lang muna.

---

> My name is Frances Alexandra.  Frances ay galing sa paternal lola na Francisca, at Alexandra from my maternal lola, Alejandra.  Para walang tampuhan.  Wala akong naabutan na lolo, so sila lang.  Ang nickname na Ace ay walang origin.  Gusto lang ni mother.

> Akala ko unique na ang name ko, pero nung high school, may kapangalan ako.  Lamang lang sya ng I... Frances Alexandria.  At hindi Ace ang nickname nya.

> My favorite color is...

> Super naadik ako sa nail polish.  Actually, ang goal lang naman dati ay bawal ang maruming nails.  Pero eventually, naging regular reward for myself na 'yan.


> No to Hawaiian pizza


> Yes to books... kahit ang dami ko pang hindi nababasa *tears*


> Coffee or tea? COFFEE.  and my default starbucks drinks: iced soy latte or iced green tea latte


> Kaya ko ito ubusin



- 'yan muna for now -




Thursday, November 19, 2015

Seriously? Seriously?!?

Hindi ako mahilig mag rant sa facebook.  Dahil una sa lahat, hindi sya nakakasolve ng problem. (baka nga dumagdag pa ang problema mo) Pangalawa, kasi… hindi ba nakaka-BV kapag puro mga random rant ng tao yung feed mo? Well, may option ka naman to unfriend/unfollow.
                                              
Pero… minsan… itry ko nga din.  Minsan lang 'to promise.  So, may option ka na ngayon, para tumuloy sa pagbabasa ng blog na ito…






Final answer?

So, game? Game ito.  For every statement na ilalagay ko, kailangan, sa end, sasabihin mo ang title ng entry na ito.  With feelings.  Try mo.



Yung tone na parang naiirita ka talaga.  Ulitin mo.

·         Kris Aquino.

·         E yung may 14, 918 na nag-like.
·         Yung 35 days na lang before Christmas.. pero summer na summer yung init sa labas.
·         Yung may nakikibasa sa wall mo, tapos cocomment ng nega about it sa ibang wall. (napaisip ka ba kung ikaw ‘yan? Pwes. Ikaw ‘yan)
·         Yung pauwi na si cute lolo patient… kaso biglang naghemorrhagic stroke. (nakakaiyak, for real)
·         Yung natanggal na naman ang dental filling ko, tapos ilang days pa ang hihintayin ko bago ako makabalik sa dentist ko.
·         Yung sumisingit sa pila, e gutom na gutom ka na.
·         Yung intellectual ang discussion tapos may ganitong comment

·         Tapos may 7 likes pa.
·         Yung nakipagmeeting kayo ng maayos… pero wala pala sila naintindihan pa rin.
·         Tapos feel na feel nilang entitled sila ng lahat ng ginusto nila.
·         Yung kakakain ko lang ng lunch… pero gutom na naman ako.

Hmmm… ok na siguro ‘yan. Haha.

Monday, November 9, 2015

Si Rmin.. at ang butas nyang eardrum.

At dahil pinost mo na din naman... at hanggang ngayon tumatawa pa din ako mag-isa tuwing naalala ko ang event natin kanina... ito na, let me explain.. para maramdaman nila ang naramdaman ko kanina sa van!!!

So, kanina, may ginawa kami sa UST (legit activity 'to for hema fellows).  Anyway, kasama ko ang batchmates kong si Rmin at Ginny, at may bright idea silang mag FX na lang kami pauwi.  (Nakahanda na kasi ang Uber app ko, pero sige, magtipid tayo, bilang mga fellow na walang sweldo).  So ayun na nga.... naghintay kami ng van.

So may van na, yung mahaba ha, hindi yung ordinary FX.  Kaso medyo puno na sya, so sumenyas si Mrs. Driver na isa sa amin sa harap, tapos yung iba dun na sa likod.  So, ako na ang napunta sa harap, katabi ni Mrs. Driver.

Tapos, pagsakay, nagbayad ako, after 30 seconds:

Rmin: Magkano po hanggang Vito Cruz? (saktong volume lang, yung rinig lang from dulo ng van, hanggang sa area namin sa harap)

Mrs. Driver to Mr. Driver: Magkano 'yun?

Mr. Driver: Bente

Mrs. Driver: (in a saktong volume lang din naman) Bente.  Saan po itong trenta? (Kasi may nagbayad)

Mystery Passenger: Isa pong Lawton, isang Vito Cruz.

Mrs. Driver: Kinse po hanggang Lawton.

Rmin: Dalawang Vito Cruz po (after a few seconds natanggap ni Mrs. Driver ang dalawang P 20 ni Rmin)

Mr. Driver: (Yes Rmin, si Kuya ang nagtanong) Meron pong Morayta?? (Kasi nasa Morayta na kami, at gusto nyang malaman kung titigil ba sya)

Rmin: (Sa todong volume.. as in yung WOW ATE, sinong sinisigawan mo? Welga, ganon?) DALAWANG VITO CRUZ PO!! DALAWANG VITO CRUZ!!

So si Mrs. Driver, nakita ko sa ang reflection nya sa glass... with her major confused look to Mr. Driver... naiimagine kong though bubble nya: BAKIT MAY NAGSUSUMIGAW NG VITO CRUZ DON? ANONG ISSUE NI ATE? SABI KO NAMAN BENTE ISA, NAG-AABANG BA SYA NG SUKLI?

Habang ako, nagpipigil ng tawa.  Medyo naisip ko pa na sana di maalala ni Ate na sabay kami sumakay ni Rmin!! Nahiya kasi ako bigla!!

Noong una, successful pa ako magpigil ng tawa... natext ko pa sya:


Kaya lang hindi ko kinaya!! Hanggang makarating kami sa may Rizal Park, tumatawa ako mag-isa! Sumkit pisngi ko, gaga ka.  With tears pa 'yan.  Bakit kasi kung ano anong pinatak mo sa tenga mo at nabingi ka.  Ikaw pa galit! 'Wag kang ganyan Rmin! Sumakit tyan ko kakatawa mag-isa.. hanggang ngayon!! 

May ipopost sana akong iba today, pero mas urgent 'to, so next time na yun.

Thursday, November 5, 2015

Asyang & Tabs: Guilty Pleasures

Haaaaaaay!! Ano ba itong araw na ito? Ang daming ganap.. or hindi naganap (na dapat may ganap!). Well, dahil maraming nangyari today.. magkkwento na lang ako.  Medyo natagalan ang kwento ko, kasi… medyo minunimuni ko ‘to nang matagal, kung ishashare ko sa inyo ito (hello to my judgy friends, haha).  But anyway, fine, go na, pero mangdadamay ako.  Hello Tabs!

Hello Tabs… kasi karamay kita sa mga kaadikan kong ito.  Ang mga guilty pleasures...  Like, unahin na natin ang Pretty Little Liars.  Na kahit sa age na ito, sinusubaybayan ko pa din ang mga adventures sa Rosewood high school.  Pero kasi, let me explain, naadik kami dito, kasi adik kami sa mystery… at mga clues, sa details, at sa mga theories.  At crush ko si Tyler Blackburn. (Haha).


 
Bukod dyan, mahilig kami sa mga taong mga may tama sa ulo.  May topak.  Ganyan.  Hence, our fascination for Amy Schumer, JLaw… and tenenen… Natalie Tran! (Sino ‘yan?.... secret!)  But bukod sa kanila, may dagdag pa sa listahan, na connected sa next kwento:

Nung isang araw,  katext ko si Tabs:

Sabi ko kay Tabs, may kwento ako.  Kung paano napadpad si Maine Mendoza sa Eat Bulaga.  Tinanong nya kung paano.  Sabi ko, sa interview ni Jenny Ferre, sabi nya, kinuha nila si Maine, na hindi lang basta sa dubsmashing skills nya, but because mukhang makapal ang mukha at may topak sya. (which is bakit din kami naadik sa kanya bago pa man sya mapadpad sa Eat Bulaga)

Sabi ko kay Tabs, di mo ba itatanong kung paano ko nalaman yan? So syempre tinanong na ng nya... ganito kasi ‘yan…

Nung isang araw, kailangan ko ng ballpen… tsaka index cards… tsaka ng kahit anong feeling ko important na makita ko sa National Bookstore.  

So nagshopping ako sa bookstore.  

Tapos ang haba ng pila.   

Tapos finally, nung turn ko na.. napunta ako kay cashier ate #2.  

Tapos sa station nya, may nag iisang magazine.  At sa apat na magkakatabing cashier ates… sya lang ang meron nito….



Tada! So, wala na din sya.  Kasi pinasalubong ko na kay Mama ang nag-iisang copy nya.  Pero binasa ko muna no.  Pero to clarify things, wala po kami ni Tabs sa Philippine Arena nung Tamang Panahon.  'Di pa kami umabot sa level na 'yan.  Benta lang talaga sa amin si Maine... at ang JoWaPao.

Thursday, October 22, 2015

Asyang presents... Ate Mystica versus the Machine

Hello Thursday!! Kakatapos lang ng quiz noong isang araw, at report ko kanina.  Tapos may quiz ulit, tapos may report ulit.  Tapos admissions.  Ulit ulit lang.  Pero keri lang… hiningi ko ito dati kay Lord, so bawal magreklamo.  Haha


Anyway, sabi ko nga may kwento pa ako.  Hindi kasi uso sa akin ang online banking and all that stuff.  So, pumipila pa din ako para magbayad ng bills.  Bill actually.  Dahil phone bill lang naman ang binabayaran ko.  Anyway, sa Globe kasi, may ganito nang thing…


…na touch screen, tapos insert insert mo lang ang cash.  So nung isang araw, ang haba nang pila.  Pero ayoko na bumalik, so pinush ko na pumila.  Habang nagbabasa ako ng Twitter pangpalipas oras, medyo napansin kong matagal na kaming hindi gumagalaw sa pila.  So kwento nga ni Tabs, shunga shunga kasi si Kuya.  Di nya kasi maintindihan ang gagawin sa touchscreen… at pumapride sya at ayaw magtanong.  Anyway, si kuya #2 na nakapila sa likod nya, mainit na ang ulo kasi kebs si Kuya sa mahabang pila behind him.  Haaaaay kuya, #ShungaPaMore.  After ten years, natapos sya.  Di ko lang alam kung naachieve nya ang goal nya… or natakot na sya kay Kuya #2.  So bukod kay Kuya #2, impatient na ang mga nakapila, except for me (joke lang, naiinip na din ako, ano ba…). 

So turn na ni Kuya #2.  Confident pa naman sya, na marunong sya gumamit ng machine, at hindi lost katulad ni Kuya Shunga.  Kaso, finail sya ng machine, kasi binabalik lang sa kanya ang bawat bill na pinapasok nya.  Sa point na ito, pinawisan na sya ng butil butil… may pressure kasi… mula sa mga taong impatient na sa likod nya.  Finally, gumive-up na din sya, feeling ko dahil di na nya kinakaya ang pawis nya.  And then… came Ate.  Ate Mystica.

E kasi nga, may topak na yung machine.  Choosy na sya sa bills.  Pero desidido si Ate… na makabayad.  As in now na.  Kaso talagang ayaw ng machine.  So paulit ulit silang dalawa.  Ate Mystica vs machine.  Habang nanonood kaming lahat kung sino mananalo.  Tapos, out of nowhere, lumipad ang kamay ni ate, nakita ko na lang ang long red embellished nails nya sa ere and then *baaaam!*.  Hinampas nya ang machine.  Woooow.  Tapos tinry nya ulit ipasok ang 100 pesos, pero di pa din tinanggap.  Hampasin mo ba naman.  Tapos, ito ngang machine, nagbbroadcast ng personal details mo… so ang laki-laking nakapaskil ang number ni Ate sa screen… 0917503****.  Medyo natempt ako itext sya ng, ok ka na ‘te?

Tuesday, October 13, 2015

Asyang and the Everest


So isang araw.. nagising ako, at tinatamad ako.  In general.  Pumasok pa din naman ako, usual day, pero alam mo yung feeling na deep inside, gusto mo lang tumambay sa bahay? 'Wag masyado mag effort.  Ganun.  Nangyayari naman yun, once in a while, tapos lilipas din.  (I guess sa ibang tao hindi lumilipas....) But anyway, medyo natagalan ako ng konti maka move on sa phase na ito... mga ilang days din (lumagpas ba ng week?). Haha.  So, nung finally, wala na akong choice, nagsipag sipagan na... nahaggard naman ako sa paghahabol.

Then finally, nung weekend na yun, nireward ko ulit ang sarili ko ng movie.  Random movie, kasi hindi kami nakabili ng tickets the day before (na usual naming ginagawa para iwas hassle)... kung saan may available na pinakamalapit na screening time. Tenenen.  Everest.  Sabi ko pa naman nung pinanood ko yung trailer, ayoko panoorin 'yan kasi nasstress ako sa mga ganung movies.  But anyway, pinush na namin.

At, sabi ko na nga ba, pagsisisihan ko 'to.  Well, fine, not 100% pagsisisi kasi maganda naman ang movie. Pero nastress talaga ako!! *Spoiler alert!* Sa fact na, pwede sila mahulog anytime, at sa struggle and acclimatization, sa mga naninigas na lang to death, sa bakit hindi nila naplano na aabutan sila ng storm, sa bakit nauubusan ng oxygen.... why?? Hanggang sa isang point during the movie, sabi ko medyo masakit na ulo ko, tapos narealize kong ang diin na kasi ng pindot ko sa left side ng ulo ko nang dahil sa stress.

Tapos, may masayang part naman, na nakarating sila sa tuktok.  Yey! Yey for Ate Japanese!  Bet na bet kong magtatagumpay sya... for some reason... so, 'yan na ang consolation for the stress ko, successful si Ate!  But no... nanigas sya to death at di na nakababa! Stress!! Again, whhhhyyyyy??  Tapos itong si Doug, sige na kuya, you're doing it to inspire the kids.  Pero bakit mo pa pinagpilitan?? Alam mo Kuya, minsan, kahit gustong gusto natin ang isang bagay, we have to humbly accept defeat.  Accept the fact na it's not for you, at least hindi sa oras na 'yan.  Namatay ka tuloy, nagdamay ka paaaaa... patalo!! Namatay yung bida because of you...!! Sarap nya iakyat ulit sa Everest tapos itulak pababa.  Stress!!  At true story sya.  Sinong hindi masstress??  Pinakita pa ang pictures ni Ate Japanese.... at ni Doug!!  Ikaw Doug!! Ikaw ang salarin!!

Nastress ako ng slight again..... wait.

Nakaisip tuloy ako ng kwentong stress!! Haha. Sa Thursday na... Asyang meets Ate Mystica.

Tuesday, September 22, 2015

Asyang and Crossroads


Fine, strictly speaking, hindi crossroad ang picture.  Kasi hindi sya cross.. pero yan ang binigay ni google (credits to the owner), na nagustuhan ko ang effect.

Finally, wala na akong tinanggap na excuse today para hindi gumalaw.. meaning mag exercise.  Well, medyo legit naman yung sumakit kasi talaga ang tuhod ko.  And nagkatime naman na 3 hours straight ang dance practice (counted naman yun as exercise).  But anyway, tumakbo ako ulit today.  At naalala ko na ito nga pala ang pinakamunimuni time ko.

So today, ang muni muni ay about sa mga dreams ko pa in life, and choices in life.  Well, nung bata naman ako ang sabi ko dream ko maging doctor, so check na yan.  But syempre, marami pa din akong random things na naiisip na gusto kong gawin.  Pero naisip ko nga, paano ba ako nakarating dito? Like, ang daming (major) decisions na ginawa ko in life, kaya ako napadpad dito.

Seriously, never kong naimagine na maachieve ko kung ano man ang meron ako today.  But looking back, I feel so blessed, because during the times when I felt like the future was uncertain, God has always provided the answers.  Parang, ‘di ko pa nga napagppray ng bongga, may answer na si God.  And some of them, ay hindi ang preferred answers ko at that time.  Syempre hindi naman always masaya lang, or keri lang lahat, or yung gusto mo lang ang pwede, but being a Christian, you learn to see things differently.  Eventually, it becomes so easy to find the greatness in the simplest things.  (So, seryoso naman nga ako nung sinimulan ko ang paragraph with seriously.)

With that, I am super happy and thankful for my life, with all its imperfections.  Pero, sabi ko nga, hindi naman always masaya.  So kung masaya ako sa major decisions ko in life, kabaligtaran yan ng mga minor decisions ko in life.
 
Like sa pagpili ng line sa buffet.  Umattend kasi kami ng convention, at di ko alam kung kaninong bright idea ang buffet (for a convention na P6,000.00 ang registration!!!).  So madami naman ngang set, pero super haba ng pila sa lahat.  Pero gutom na talaga kami ha.  As in.  Tapos, nung mga 3 people na lang ang nasa harap naming, dun pa naubos lahat.  At tsaka pa naisip ni kuya na sabihan kaming lumipat ng line.  Sa buffet table na may pilaaaaaaaaaaaa pa din.  (Seriously?!? End of the world na ba kasi wagas na yung gutom ko!!)  Tapos hindi masarap yung food.  And then nung isang araw, sa grocery, kakapili ko ng cashier, dun pa ako napunta sa naubusan ng paper for resibo nung ako na.. as in, na-bag na lahat ng binili ko, pero di ako makaalis.  Ugh.  Bakit ganoooooooon?? Sinabon ko naman!!!!!

Wednesday, September 16, 2015

Reposting: “The Future Begins in School - and in the Pool” By Rene F. Concepcion


September always reminds me of my UAAP days.  Feeling nostalgic... might write about it, but for now, I'm reposting my Coach's article, so enjoy!

“The Future Begins in School - and in the Pool”

By Rene F. Concepcion 


Student-athletes are the best students in any school. But many of their teachers and classmates would probably disagree. Athletes are always absent, have poor grades, and slip through the system. But for every sports star who reinforces this negative stereotype, there are many who prove they are the best kind of student in any student body. 


For example, LC Langit, a De La Salle University (DLSU) varsity swimmer, got a near perfect grade point average during the year she was training hard for the Doha Asian Games (where she set the Philippine record in women’s triathlon). Langit’s current DLSU varsity teammate, Enchong Dee, who everyday juggles early morning and early evening swimming workouts with school work, has a weekly show on TV and does modeling work. He, too, got into the Dean’s List.


The daily life of a student-athlete isn’t easy. Training is murder, and the academic work gets harder after a killer workout. Practices are normally four hours daily, and it isn’t the kind of exercise that you can escape with an iPod to read a magazine while pedaling on a stationary bike. Muscles burn, lungs scream, and the coaches scream too. Plus there is the added pressure to excel in both school and sports. A student-athlete’s competitive nature wouldn’t be satisfied with passing grades, or finishing a race without a medal. They need to be the best. And when they graduate, they bring this attitude to the real world, where life doesn’t get easier. Yet they know they can succeed in anything because their hearts and minds were trained to face all difficulties.


Therefore, it is a shame that many still think of sports as only for leisure. Some might even say sports are not important compared to school. Parents want their children to major in business and finance, or grow up to become engineers, doctors or lawyers. A father might ask - what good would swimming endless laps, or hitting a tennis ball over and over do for my son who needs to take over the family business? 


The answer is everything. Competencies needed in careers are easy to learn. If a student doesn’t immediately comprehend classroom lessons, it can be fixed by tutors, the Internet, and extra effort hitting the books. But confidence needed in life can be learned while facing a match point, or in a painful last lap or homestretch. Here, the teacher is one’s own undaunted spirit that teaches to never lay down hastily to defeat.


And life brings many defeats that need to be overcome. There’s the loss of a job, unprofitable investments, losing face, and even losing of a loved one. Student-athletes lose all the time. Sadly, in the prevailing culture, they lose more in the classroom. Many athletes have come to accept – and with no help from the academe otherwise – that they are only meant for the physical and not the mental. They quickly give up when facing physics or term papers or oral reports, yet they shouldn’t. There is segregation in schools between the jocks and the nerds, yet there shouldn’t. 


Truly there are outstanding athletes who are also bookworms. There’s a Philippine Olympian who was a pre-med student and history major from a world renowned university, that when he decided to pursue film directing, a friend could only think to compare him to Woody Allen (the very witty, intellectual, and existentialist side of Woody Allen, of course).


The UAAP season is well underway, and it is a marketing dream, once again, because men’s basketball is the hottest ticket in town. Well, somewhere also in town are many other student-athletes competing in other sports. These warriors also need the attention, the sponsorship, the support, the fanfare, and the respect. Media coverage must be thrown their way too, and not just to publicize results. People need to know how much student-athletes sacrifice, how dedicated they are to their sport (even to sports that don’t have prize money nor endorsement deals). 


People need to know these student-athletes have career plans in the future to build skyscrapers, innovate computer software, become diplomats, lead corporations, cure diseases, and fight injustice. They are the best of the country’s youth. It’s about time to nurture them for they can contribute towards a fantastic future.


Friday, September 11, 2015

Asyang's Playlist (Next week na ang kwento!)

Weeeekeeeeenddd!

Magkkwento sana ako kagabi... kaso, sa sobrang pagod ko, 7 pm pa lang, tulog na ako.  Dapat power nap lang sana, kaso 3 am na ako nagising.  Nadisorient pa ako nung nagising ako.  Ang haba kasi ng week na to, from last week, to weekend duty, to convention, to workshop.  Di ko na nasundan ang petsa.

Dahil dyan, guys, dedeposit ko na lang muna ang mga kwento ko.  For now, dahil medyo lutang pa ako, shashare ko lang ulit ang playlist ko (tutal, ten years ago na yung last playlist entry ko).  Warning, mga LSS ko to.

1. Can't Sleep Love by Pentatonix





Dahil super favorite ko talaga sila.  Para sa mga hindi nakakakilala sa kanila, google nyo.  Haha.  Acapella group sila, na super galing, at ito ang first album nila na all original songs.  Problema ko lang dito, nung pinakinggan ko sya, di ko alam ang lyrics, bukod sa title, so na-LSS ako sa part na "womp, womp, womp, womp, womp, womp, womp...." try nyo pakinggan ang first ten seconds, nakakabaliw, kasi isang buong araw (actually hanggang the following day) ko syang kinanakanta... out loud.

2. Sway by Bic Runga


Dahil pinatugtog sya sa car habang nasa kalagitnaan kami ng traffic.  Hello sa mga batang lumaki nung 90's.

3. Photograph by Ed Sheeran

(ctto)

Dahil gusto ko ang album na X.  Pero dahil araw-araw ko nang naririnig ang dalinay, dalinay (hello sa mga sumusubaybay sa Kalyeserye), ito na lang ang nilagay ko sa playlist ko.

4. My Heart is Open by Maroon 5 feat. Gwen Stefani


Ay!! Grabe, after ten years, pwede na ako ulit maexccite sa concert nila.  Humupa kasi for a while ang excitement ko, after ko nabili ang tickets.  Medyo nung March pa kasi yun.  Anyway, bukod sa Lost Stars (actually, mas maganda yung version ni Keira Knightly), ito na next favorite ko sa album.  Hay, see you next week!

5. 2 Become 1 by Spice Girls


Just because super fan ako ng Spice Girls nung 90's.  Girl Power!

6. Life Support by Sam Smith


Ito kasi talaga ang isa sa mga favorite ko sa album nya.

7. Happy Little Pill (Troye Sivan Cover) by Superfruit




Again, may malaking chance na hindi nyo sila kilala, pero ito ang dalawang beki from Pentatonix.  Na kahit anong kantahin siguro nila, bebenta sa akin.  Try nyo, promise.

8. Skinny Love by Birdy

https://www.youtube.com/watch?v=aNzCDt2eidg

Kahit luma na, di ko pa rin sinskip itong song na to pag nagplay sya sa shuffle.  Haaaay, kung kaya ko lang tong kantahin nang ganyan, magqquit na ako ng medicine tapos kakanta na lang ako kung san san.

9. I Need Your Love by Calvin Harris feat. Ellie Goulding


Kasi kailangan ko din mag dance party.  Pero ito din, di ko siniskip, sumasayaw lang ako bigla.

10. Missing You (Bedtime Remix) by Case

https://www.youtube.com/watch?v=VhS6W6VkKlA

Ang ultimate hele song! Taaaaabsss! (Medyo anime anime lang yung link, hehe, pero try nyo kung gusto nyo medyo mag emote, o gusto nyo lang matulog)

Ayun lang, kailangan ko na umalis!


P.S. Wala po akong pinagdadaan sa buhay... masaya po ako at hindi nag eemote.  Gusto ko lang talaga mga songs na yan.  (Kailangan ko mag-explain). Muah!

Friday, August 28, 2015

Asyang and the Movies (this is it)

Ayoko nang nalelate (sa mga important na bagay ha),  as in.  Kung ma-late man ako, yan ay sa mga kadahilanang beyond my control (katulad nung may nasunog na bus sa expressway, inabot ako ng 4 hours sa daan; tsaka nung ondoy, na ten years ako sa bus… actually, di ako late nun, di na talaga ako nakarating), or hindi kasi important (pero required).  Usually, maaga ako, tapos nagpapalipas ng oras some place near.

Kaya ganun na lang ang panic ko pag di ako nagigising sa alarm.. like nung isang araw, na aattend kami ng convention, at ang usapan ay aalis ng maaga.  8:15 daw aalis, at nagising ako ng 8:09am.  Hala.  Sabi ko: “Sssssshhhhhh*****” -- sabay dampot ng towel, toiletries, and within 5 seconds, nasa shower na ako.   Bam! Ang bilis ko kumilos.  Dumating pa din ako ng 8:15 sa office, kasi advanced naman ang watch ko.  But anyway…

So di ko na nga natuloy yung kwento ko last time.  Well, isa kasi ang movies sa mga pag aadik ko.  Lately, once a week, pag may magandang movie. Pag madaming maganda, edi 2 movies a day.  (walang makakapigil samen!)  Pero ang kwento ko ay… actually, gusto ko lang mag survey.  Di ko kasi napapansin to dati, nung sinabihan lang ako, tsaka ko narealize na pag magstastart na yung movie, halos ubos na ang movie food ko.

Kasi nga ayoko ng late (yes, important ang movies), so napapanood ko lahat.  Mula sa mga advertisement ng Ayala Land, ng mga sundalo, at ang babala nina Derek Ramsey at Gaby dela Merced about piracy.  Kung kumain pa naman ako ng popcorn, kasing bilis ng pag ligo ko pag 8:09am ako nagigising.  So, ang tanong ko lang ay, ako lang ba? Seryoso bang hinihintay nyo magsimula ang movie bago nyo sinisimulan kainin ang baon nyo?

P.S.

Alam mo yung mga taong inis inis sa mga kasama nila sa sine na mahilig magtanong kung anong nangyayari sa movie… habang andun din naman sila?  Hindi ako yun.  Haha. Partly dahil guilty ako dyan.  Pero hindi dahil di ko maintindihan ang movie at kailangan ko ng interpreter, pero kasi, for some reason, alam ng bladder ko pag nasa sine ako.  Di ko alam kung pano nya nalalaman.  Pero every 20 minutes kailangan ko magtoilet break.  So, babala sa mga makakasama ko sa movies, magnotes kayo.  Binibilisan ko naman promise, as in takbo… (kasi may mga movie house na walang toilet sa loob).


Wednesday, August 19, 2015

Asyang and the Movies

Kahit busy busyhan ako ngayon, pipilitin ko magkwento.  Push ko na ‘to.  Tsaka kahit gaano ka-busy, kailangan ko pagbigyan ang “protected time” for myself, na madalas ay nailalaan sa pag-aadik ko sa good food (na sa ibang araw ko na kkwento) at movies.

(Side kwento) Bakit ako busy? Ito na kasi ang panahon ng paghahanda para sa annual convention… which means… required na naman kami magpakitag gilas with our dance moves.  Wow.  May moves.  Masaya naman in general ang experience last year, kahit narealize kong malayo ang expectation sa reality pagdating sa flexibility and dance skills ko. 



As a frustrated gymnast/contemporary dancer (contemporary talaga, Amy Yakima level, ganon), everytime may dance step na hindi mapagkasunduan ang utak ko at ng katawan ko, gusto ko sumigaw ng “kamoteeeee, swimming na lang, huhu”.  So, isipin mo na lang ang effort ko (actually, effort naming lahat) ngayon, na may legit teacher kaming push kung push.    At hindi kayang ibully ni Rmin na palitan ang steps na mahirap.  So yung utak ko, parating…

1..2..3..4..5..6..7..8..

At dahil legit si teacher, may ganito pa, 7…8…talon…takbo…hawak…5…6…7...8…1…2..Heeeeee! (strike a karate kid pose)..4..5..6..7..8. Run…  (Kamoteeee.. bakit ang hirap gumalaw sa lupa?)

Anyway, pangalawang reason… dahil sa pagbabalik ng weekly quiz.  Yes, grade school lang.  Quiz kung quiz.  At bitbit ko si Williams kahit saan.  Bakit? Kasi, kamote again, competitive kami.  Huwag na natin ideny and nerdy mode natin.  Yung nagcocompare-an kung ilang pages na ang nabasa, kung gaano kakulay ang mga libro, at nagsisite ng page pag sumasagot (yes Jayme, I am thinking of you).  At bibong bibo pagdating sa pagchecheck ng papers. 

So, medyo mahaba ang side kwento! Therefore, next time na lang pala totoong kwento.

Hehe.



Wednesday, August 12, 2015

Asyang, at ang Listahan (more pet peeves)

I am a happy person, in general.  Meaning, mas pinipili kong makita ang happy slash positive side of things, even in mundane things (naks).  Kaya nga kahit nakipagsapalaran ako sa ipis wars, nagpalpitate dahil kay scary ate, or muntik nang mapaaway sa stranger na tabachoy, natatawa pa din ako mag-isa tuwing binabasa ko ang mga sarili kong kwento ng kaadikan.

Kaya lang, tao lang din, at nauubos din minsan ang super powers kong humanap ng good vibes.   Kaya may listahan, at least partial list (kasi medyo mahaba na sya), ng mga bagay na NEGA talaga. So ito na…

Number 1: Pag pinapahirapan ako ng cashier sa sukli ko.  Yung iaabot nya sa kamay mo ang maraming bills… tapos tsaka nya ipapatong ang maraming barya in different sizes. 

Me: Ateeeee, please, wag mo ako ichallenge.


Dahil ang ending, may mahuhulog.  Madaming beses na yan nangyari sa akin, so effort magpulot.  At, one time, sa Starbucks, nahulog ang limang piso sa ibabaw ng banoffee pie ko.  Buti na lang second to the last piece sya at napalitan pa ni Kuya. Kundi…. Walang banoffee si Asyang.

Number 2: Ako, ayoko ng mahahabang instructions.  Kasi nakakatamad basahin.  Ang kaya ko lang ay, “encircle the correct answer” or “this way to somewhere”.  Pag humaba pa dyan, eeffort na ako humanap ng patience.

Pero,  naman, ito, hindi ko magets.


I mean, simple lang naman.  Napagkasya na nga in 4 words.  Nilakihan pa.  Whyyyy??? Paano na uunlad ang Pilipinas?  Tinuro naman sa school ang I have two hands, the left and the right.

Number 3: Ito, parang medyo napapadalas kong nasasaksihan.  Like nung isang araw, habang nagsusulat ako ng orders sa chart, nag ring yung phone ni person sa harap ko.  So, sinagot nya…

Person: Hello? Hello? (after 3 seconds) Hello??? Hello???  (itaas pa natin ang level ng volume) HEELLLOO??? HEEELLLLOOOO?? (sinilip pa ang phone…) Hello??

Me: Yung totoo kuya, I give up mo na.  Mahina ang signal.  Nakita mo yung poste na yun? Punta ka dun, tapos side step ka ng 3x to your left, tapos harap ka sa north, lalakas na yang signal mo.

Joke lang.  In reality, thought bubble ko lang yan.  Nakayuko lang ako habang tinatapos ko ang orders ko.  Pero seriously, 3 lang ang quota ko.  Pag wala kang marinig, give up mo na.

Number 4: Ang selfie flood.  May levels lang din ang tolerance ko sa selfie.  I mean, fine, kung pa isa-isa, go.  Or kung nagtravel sya mag-isa at gusto nyang ishare ang view, why not (dahil ginagawa ko din yan).  Pero, yung 16 photos na puro mukha mo in different angles…
(iniisip ko kasi mag grab ng pics ng iba, kaso baka mapaaway na ako, so ineffort ko na lang to… kaninang umaga)


(4 lang kinaya ko eh, multiply mo na lang)

OR mas lalo na to… paulit ulit… na di ko maintindihan kung nagpapagame sya ng spot-the-difference… 


OR (shout out to Francis Asilo), isang selfie lang, pero lalagyan mo ng quote, na walang kinalaman sa mukha mo.


To be continued....


Wednesday, August 5, 2015

Asyang, The Observer

Medyo mahilig ako mag observe ng tao pag free time ko.. Pag 5-minute study break sa coffee shop.. Pag nasa byahe.. LRT.. Shuttle.. etc. Pero minsan, kahit kailangan ko na magfocus sa mga mas important na mga bagay, may mga tao talagang pilit na aagawin ang attention mo.

Syempre, may kwento na namang kasunod. Naalala ko to habang nakatitig ako sa ilaw, nang matagal, kasi nasa dentist ako. Minsan di ko na alam saan pa ako titingin pag nasa dentist ako. Ayoko naman titigan yung dentist, awkward at nakakaduling. Anyway, back to kwento.

Few weeks ago, umattend kami ng grand rounds. Dun na kami umupo sa likod, kasi nagstart na ang lecture about heart failure. Ipupush ko sana makinig, kasi baka magfade na ang general IM knowledge ko. Kaso, wala pang 2 minutes akong nakikinig sa lecture, si intern sa harap namin ay nagpapapansin na sa headbanging skills nya.

"Woop! Woooooop!"

Yan yung sound effect na naiimagine ko everytime babagsak ang ulo nya tapos irerebound nya pabalik. From duty yata sya. So una, mild headbanging lang, so pilit ko syang deadmahin, but after a while, nabother na ako... Kasi nakikita ko na ang cricoid cartilage area nya (or, yung area kung saan ang adams apple dapat) at, sabi ko nga, nakaupo ako sa likod nya. Major "exorcist" skills. Kung dumilat siguro sya in that position, tatakbo ako palabas. 

Walang true friends si ate intern, kasi walang gumising sa kanya! Di ko na natiis kasi wala nang nakikinig sa lecture, pinapanood na lang sya, kahit yung iba nagpapanggap at pumiperipheral view lang. So... binully ko ang friend ko para gisingin sya. Pero natulog pa din sya after 2 mins. Tapos sinabayan ko na lang sya ng "wiiikiiiii wiiiikkiiiii tsssssh tsssssh". (Yeah, my legit beatboxing skills).

Ayan. Wala akong naintindihan sa lecture. Thanks te.

Monday, July 27, 2015

Asyang, The Licensed Embalmer

I love Uber.  Una sa lahat, dahil di ako chinichika ng driver at hinahayaan nila ako mag muni muni by myself sa likod. 

Anyway, may koneksyon yan, pero side kwento muna.  Nung isang araw, nag aadik ako sa youtube.  Nag aadik meaning kung anong issuggest ni youtube sa gilid, pinipindot ko.  Hanggang sa marating ko ang the voice kids, at ang batang nakapasok sa Team Lea.  So may interview pa, sabi ni Lea, anong work ng parents mo?  At sabi nung bata, with matching accent, my mom is a lawyer and my dad is a licensed embalmer.  (Bumenta sa akin, bakit ba?) 

So nung isang araw, di ko na maalala san ako pupunta.  Pero walang Uber…. (Nooooo…) at kailangan ko na talaga umalis.  So napilitan akong mag cab.  Mukha namang mabait si kuya at politely nagtanong kung san ako pupunta.  Di naman sya nagreklamo at di nya rin ako binaba.  But, after 10 seconds, nagtanong na sya… Taga-PGH po kayo?

(Again, noooooo….) No to small talk sa cab.  Sabi ni mama, don’t  talk to strangers.  Nagflashback tuloy yung last time na may makulit akong driver, na ayoko naman din magsungit kasi mukha din syang friendly-ish.  Pero nung nalaman nyang doctor ako, ang dami nyang nakwento hanggang sa nagtatanong na sya kung anong vitamins ang pwede sa kanya. 

So sabi ko, “Opo”, with my prep smile (na by the way, ang meaning ng prep smile ko ay: I am uncomfortable).  Deep inside, sabi ko, “Please, please, please, wag ka na magfollow-up question.”  Pero di narinig ni kuya ang thoughts ko.  Sabi nya, “Ahhh, ano pong trabaho nyo?”

Sa point na ito, yung bata sa youtube ang naisip ko. 

Yep.  Yun ang naisigot ko, with matching accent, hence the title.


In fairness to me, nasabi ko with a straight face. (Pwede na ako mag-artista).  Effective.  Nakapagmuni-muni na ako after nun.

Monday, July 20, 2015

Asyang... and a Random Thought

Kailangan ko mag-aral pero may kailangan din ako i-share.  Naiisip nyo ba minsan kung ano-ano ang mga fears nyo in life?  Baka may mini list pag pinag-isipan ko yan ng mabuti, (at pag seryoso ako).

Anyway, isa sa mga fear ko ay nangyari na naman sa akin nung  weekend.  Kumain ako ng lunch, sinigang na bagnet sa watermelon (masarap, Simple Lang, Ayala Triangle), na sinundan ko ng coffee.  Tapos uminom pa ako ng tubig.  So, after non, kailangan ko na magrestroom break dahil puro tubig na ang katawan ko. (pero para malinaw, naiihi lang ako ha).

Medyo malayo-layo pa yung nilakad namin bago namin narating ang restroom, so medyo urgent na talaga sya.  Tapos pagpasok ko, ang daming tao, may mga nakatayo na sa labas ng stalls, pero maluwag dun sa dulo.  “Excuse me, excuse me”… tapos halfway, nakita kong may stall na bukas… Yeeeessss!

Tapos pagdating ko dun, nakababa ang takip…… Nnnnooooooo!



Binubuksan nyo ba? Ako kasi, di ko kaya, takot ako sa pwedeng sumurprise sa akin.  Naisip ko lang kasi, ano bang rason para ibaba mo takip?  (Hindi ko pa ito ginawa… sa pagkakatanda ko…) pero ang naiisip ko lang ay kung nagdeposit ka ng surprise, at kailangan mo ng headstart para kumaripas palabas, bago pa makita ng kasunod mo ang surprise mo for her.  Na pag nabuksan nya at hahanapin nya ang salarin, nakatakbo ka na palabas.  Hence, never akong nagbubukas, kahit gaano pa ka-urgent ang matter.  Ako lang ba?   



Thursday, July 16, 2015

Asyang, Tabs and Tabachoy

Para sa mga hindi pa nakakakilala sa kanya, meet my friend, Tabachoi.  Tabs for short.  Self-explanatory pag nakita mo sya.  Meron din syang ibang nicknames  (wag lang Taba, maooffend sya).  Pero feeling ko, Tabs ang pinakafavorite nya.

Anyway, niyaya ko si Tabs manood ng Insurgent (kasi gusto ko mapanood si Theo James).  Tapos, after ng movie, tinanong ko sya kung saang faction kami bagay: Abnegation, Amity, Erudite, Dauntless or Candor.  Pero nakalimutan ko na ang sagot nya.   Basta naalala kong bago kami lumabas ng mall, ang tanong ko sa kanya ay, paano kung napunta tayo sa Amity? (kung saan masaya lahat ng tao, at para lang silang high/lutang sa saya).

So ginaya ko sila.  “Hi Tabachoi” (medyo required na napanood mo ang movie, for full effect, pero kung hindi, imagine mo na lang na high ako on something).  Medyo loaded ako sa caffeine at ang dami kong energy kaya pinaulit ulit ko lang ang “Hiiiiii tabaaachoooiii” habang naglalakad sa kahabaan ng Pedro Gil.  Di ko naman napansin na napalapit kami sa isang  stranger…. na tabachoy din.

So sabi ko, “Hiiii Tabaaachhhoiiiii!”.  Tapos lumingon si Ate, dahan dahan kong nakita ang face nya sa peripheral vision ko, at ang sabi ng mukha nya: “$%!&* (insert bad word), sinong tinatawag mong taba----“… simultaneously sabi ko sa utak ko, “Ateeee, I caaaaan exxxplaaa—“ (slow motion kasi).  Pero bago namin matapos ang thought bubble namin, nahagip ng peripheral vision ni Ate si Tabs, walking at a glacial pace.  Tapos nawala ang bakas ng galit sa mukha ni ate, at nabasa namin ni Tabs ang thought bubble nya: “$%!&*, sinong tinatawag mong taba--- Aaaah, tabachoi nga.”


Shetty.  Muntik na ako mapaaway dun.


Wednesday, July 15, 2015

Asyang and the Make-Up Experts

Medyo late bloomer ako sa make-up.  Siguro bilang tamad ako.  Plus, walang point, siguro lalo nung college, kasi from swimming pool, nakakarating ako sa classroom ko in 20 mins (ang galing ko na pag di tumutulo yung buhok by then.. so ang point, wala din namang time dati).  Nung med school, medyo naglalagay na ako ng lipgloss.   Minsan blush-on.  Natuto lang ako nung residency na, ang (napaka) basic skills ko c/o Apple, at the rest ay c/o Youtube (kung saan, pwede mo na yata matutunan lahat).

Anyway, obviously, hindi ako ang expert.  At hindi rin ang mga youtubers (na by the way, million million ang followers dahil lang sa mga ganyan).  Para sa akin, ang mga expert ay ang mga ate sa LRT/MRT.  Natry nyo na ba sila panoorin?

Naalala ko talaga si ate sa LRT, start from scratch, with all the pimple marks at manipis na kilay. So concealer, effortless.  Tapos powder.  Ang bilis lang. Blush-on.  Carry. And then.. nilabas nya ang eye shadow… Sabi ko, so full make-up talaga? (syempre hindi out loud) In fairness kay ate, kahit umaalog alog ang LRT, perfect nya ang smokey eyes effect! (So yes, tinititigan ko lang si ate the whole time.)  Pero di pa sya tapos, naglabas pa sya ng… tentenenen… eyeliner. Nagawa na nya yung isang mata.  At by this time ay amazed na amazed na ako. Pero dahil sya si ate at gusto nya magpakitang gilas, bigla na lang sya tumayo, at inooffer nya kay lola ang upuan nya (sa sobrang intense ng pagkakanood ko sa kanya, di ko nga namalayan kung san nanggaling si lola!)  
So habang nakatayo, alog alog, napantay nya ang eyeliner pati ang mga kilay nya.  Just like that, bam! (Ulitin mo, with feelings… bheym!)



Bumaba na si ate, ready to face the world.  Ang galing.

After 10 seconds, tsaka ko narealize, dun din ako dapat bababa, kung saan bumaba si ate.

Asyang and the Scary Ate sa Shuttle

Saturday is my free day. Ito ang araw na ang attitude ko ay: lahat ng ayoko gawin today ay kaya kong gawin bukas.. (except pala kung ako ang duty.. rounds muna; tsaka usually, tinatapos ko na ang mga bagay bagay pag Friday – yes, kailangan ko mag explain).  Hence, I love Saturdays.  Pero may isang part ng Saturday, na hindi masyado fun: ang pagpila sa shuttle.
Dati naman kasi wala si Ate dun.  Pero few weeks ago, after ko magliwaliw sa Makati at oras nang umuwi, pumila ako sa shuttle. Tapos, bigla na lang may lumapit sa akin na Ate, na maspayat pa sa akin, and I think masmatangkad pa ako sa kanya. Pero feeling nya sya si John Regala.. (or si Dick Israel… ginoogle ko pa yan).  So out of nowhere, in her siga voice, sabi nya sa akin, “Asan na ang pamasahe?”.  Natakot ako promise.  Sabay hanap ng pambayad.
So, nung sumunod na week, ayan na naman si ate.  But this time, si ate girl na nasa harap ko ang una nyang nilapitan, at inabutan sya ng 500 pesos.  Again, in her siga voice, sabi nya “Ate, wala ka bang barya?” (with a facial expression na nagsasabing “ang hassle mo naman ate”).  Natakot din yata si ate girl kasi bigla syang nakapaglabas ng exact amount. Buti na lang, sakto din ang pambayad ko.
At ang pinakarecent incident ay ang paghahanap nya sa pasaherong di nya pa nasusuklian.  So nakaupo na kaming lahat sa van, sabi ni ate, “sino yung may sukli pa?”, again sa pinakasiga nyang boses.  Lagot, ang tahimik.  After 3 seconds, inulit nya ang tanong, nilevel up nya lang ang volume. Finally, itong si kuya nan aka earphones ay nagtaas na ng kamay.  Tapos sabi ni ate, “Hindi pa kasi sumagot agad!”  Sabay abot ng sukli then slide ng pinto.  Galit si Ate.
So, kung uuwi ka din sa Imus from Makati, like me, maghanda ka ng P55.00, pumila ng maayos.. and avoid eye contact.  You are welcome in advance.

6,944


Ako lang ba ang nabobother sa ganito? Whhhyyyy??? 😨 (P.S. Hindi ko pinaalam sa may-ari na pipicturan ko ang iPad nya ✌🏻)

Pet Peeve

Pet peeve - minor annoyance that an individual identifies as particularly annoying to himself or herself, to a greater degree than others may find it 



Asyang versus the Swimming Ipis

Yes. Swimming ipis. 

Ako ay isa sa mga taong nag-aalarm ng super maaga, para lang makapag-snooze ng maraming beses. At pag totoong time na bumangon, kailangan ko pa ng ilang minutes para umiikot ikot sa kama, at mga 3 mins for social media browsing bago ako finally bumangon.  At pag bangon ko, parang tulog pa din ang half of myself.  

So, nung isang umaga, half-asleep me, ay nasa shower na.  At ang bumati sa akin that day… ay isang floating ipis sa half-full na timba.  Actually, di sya floating, nakatungtong pa naman sya sa handle ng tabo.

Take note, hindi sya ipis.  Isa syang IPIS.  So nagpanic ako at nawala ang bawat butil ng antok sa katawan ko.  Nagtowel ako agad just in case maging flying ipis sya.  Ayokong tumakbo sa hallway nang walang saplot.

Anyway, tumayo ako for 30 seconds, para mag isip ng game plan.  Kasi hindi option ang hindi maligo.  Anyway, naisip kong kailangan ko muna tanggalin ang tabo.
So habang nagpapalpitate ako (seryoso kasi, i hate ipis), nilubog ko ang tabo sa water hanggang sa napilitan syang magfloating tapos kinuha ko ang tabo.  So nagpanic swimming paikot ikot sa timba, at buti na lang di sya nakalipad.
Tapos, binuhos ko sya sa toilet. 

Goodbye ipis.  Ayun lang.  Nanalo ako.